Ang mga kwentong bayan, katulad ng mga alamat, ay mga salaysay ng ating mga ninuno na nagpasalin-salin at kadalasan hindi na kilala ang orihinal na may akda. Ito ay nagpapalipat-lipat sa bibig ng mga tao kung kaya’t may iba’t-ibang bersyon na ito sa paglipas ng panahon.
-

Ang Alamat ng Anay
Si Ranay ay isang matakaw na batang nakatira sa mahirap na bayan ng Sto. Cristo sa may norte. Bagamat naghihirap ay alaga siya ng ama’t ina sa masasarap na pagkain. Nag-iisa kasing anak si Ranay. Inakala nga noon ng mga magulang na hindi na magkakaanak dahil matanda na ang kanyang ina pero isinilang parin siya.…
-

Ang Alamat ng Buwaya
Pagtatanim at pagbebenta ng gulay ang kinabubuhay ng magasawang Waldo at Busyang na parehong masipag at mabait. Kung pag-uugali ang pag-uusapan ay walang maiipipintas sa mag-asawang ito, maliban na lamang sa pisikal na anyo, napakapangit kasi ng babae at napakapandak naman ng lalaki. Gayunpaman, ang kapintasang iyon ay hindi nakikita ng mga tao dahil sa…
-

Ang Alamat ng Alitaptap
Noong unang panahon, may isang makisig na binata na nais mag-asawa ng pinakamagandang dilag. Siya ay mayabang at masyaong malaki ang pagkakilala sa sarili. Kung minsan tuloy, nagdaramdam ang ilang mga dalaga s kanya dahil sa pamimintas niya kahit nakaharap ang dalaga. Isang araw, papunta na siya sa bundok upang manguha ng yantok nang masalubong…
-

Bakit Maalat ang Dagat?
Noong unang panahon ang mga tao sa silangan ay nagpupunta pa sa kanluran upang makipagpalitan ng kalakal. Ang mga katutubo sa silangan ay maraming asukal na naimbak. Ito ang ipinamamalit nila upang makakuha naman ng asin. Sapagkat higit na nangangailangan ng asin ang silangan, ang mga katutubo na ang nagpupunta sa kabilang ibayo ng dagat.…
-

Ang Alamat ng Aswang
Noong unang panahon, lima pa lamang ang tao sa mundo.Isa na dito ay ang batang si Lam-eng. Kasama niya sa kanilang kahariang patag ang kaniyang Tiyo Samuel. Nandoon din ang dalawa nilang alalay na sina Inas dilim at si Amir-ika sinag. Gabi-gabing nananaginip si Lam-eng tungkol sa isang lalaking kamukhang kamukha niya na nakatira sa…
-

Ang Alamat ng Panay (Ang Alamat ng Iloilo)
Noong unang panahon, isang binata ang nanirahan sa isang malaking pulo. Nabubuhay siya sa mga sariwang gulay at prutas. Taga ilog ang tawag sa kanya. Minsan, isang matandang lalaki ang gustong makituloy sa bahay niya. Napangiti ang binata dahil magkakaroon na siya ng makakasama. May pagkakataong rin siyang makapaglingkod sa kapwa. Pinagsilbihan niyang mabuti ang…
-

Ang Alamat ng Talon ng Maria Cristina
Si Datu Talim ay tanyag sa buong Magindanao hanggang sa Sulu dahil sa kagandahan ng kanyang anak na si Maria Cristina. Ngunit hindi si Datu Talim ang tunay na ama ni Maria Cristina.Si Maria Cristina ay anak ng isang mangingisda sa Romblon. Tuwing tag-ulan ay tumutulong si Cristina sa pagtatanim sa kanilang maliit na lupain.…
-

Ang Alamat ni Malakas at Maganda
Nangyari naman na mag-asawa nuon ang hangin dagat at ang hangin lupa, at may anak sila, si kawayan. Isang araw, lumulutang si kawayan sa tabi ng dagat nang nabangga niya ang paa ng lawin. Nagulat, nasaktan at nagalit, pinagtutuka ng lawin ang kawayan hanggang nabiyak ito. Kaginsa-ginsa, lumitaw sa isang piraso ang isang lalaki, si…
-

Ang Alamat ng Pipino
Noong araw, sa Lumang Taal, Balangay ng Batangan, ay may mag-asawang may anak na lalaki. Ang pangalan ng ama ay Rupino, ang ina ay Paula, at ang anak naman ay Tirso. Sa halip na maging maalaala at mapagmahal sa aswa’t anak si Rupino ay totoong pabaya. Siya ay napakatamad at napakasugarol pa.Kaya upang sila ay…
-

Ang Alamat ng Pakwan
Humigit-kumulang sa tatlong daan taong namalagi sa Pilipinas ang mga Kastila. Layunin ng Espanyang sakupin ang mga katutubo. Naging kasangkapan ng mga Espanyol ang Katolisismo upang lalong mapadali nila ang pamamalakad dito. Bagamat sa Limasawa, Leyte nagdaos ng unang misa, may isang paring Kastilang nagngangalang Padre Novelles ang nakarating sa lalawigan ng Nueva Ecija. Sinikap…
-

Ang Alamat ng Daigdig
Ayon sa alamat, sina Kalangitan at Katubigan ay may dalawang anak. Sila ay sina Langit at Tubigan. Si Langit ang kinilalang diyosa ng kalawakan at si Tubigan ang diyos ng katubigan. Sina Tubigan at Langit ay nagpakasal. Dalawa rin ang kanilang naging mga anak. Sila ay sina Dagat at Paros. Si Dagat ang naging diyosa…
-

Ang Alamat ng Mansanas
Isang araw, nalaman ng isang tao na may kakaibang dugo siya. Ang kaniyang dugo ay nakakagaling ng mga sakit. Mabait siya at nanggagamot siya nang libre. Ang pangalan niya ay Mang Sanas. Sa isang bahay-aliwan nalasing si Nam Atay at nasuntok niya si Lorando. Galit na galit si Lorando at inaway niya si Nam. Nagsuntukan…
-

Ang Alamat ng Bundok Arayat
Ang Bundok sa Arayat na nakapatungo sa mga lalawigan ng Kapampangan at Nueva Ecija ay may iniingatang mga kahiwagaan na nagkasali-salin na sa mga maraming paniniwala. Sa maraming kapaniwalaang iyan ay lalong bansag ang mga talang nababanggit sa lathalang ito, dahil sa pagkakatanim sa diwa ng napakarami nang salin ng lahi sa Arayat at kanonog-bayan.…
-

Ang Alamat ng Buwitre
Napakatagal na panahon na ang nakararaan ng mangyari ang pagsumpa ng mga magulang sa isang batang babae na may pangalang Bereti. Si Bereti ay mula sa angkan na may maalwang buhay. May malawak na lupain ang kanyang mga magulang. Marami silang pananim. Marami rin silang mga alagang hayop. Bunso si Bereti at paborito ng ama.…
-

Ang Alamat ng Sili
Sa isang malayong lugar sa Bicol, may isang napakalaking kaharian na pinamumunuan ng isang hari at reyna at ng kanilang anak na si Prinsipe Siling. Masaya silang namumuhay sa kaharian, ginagalang at may mataas na pagtingin ang mga tao sa nasasakupan ng hari at reyna dahil na rin sa kanilang angkin na kabaitan sa mga…
-

Ang Alamat ng Atis
Noong unang panahon may isang maliit na bayan na malayo sa syudad ay may iilan na pamilya ang nakatira. Masaya at masaganang na naninirahan ang mga tao dito nagtutulungan at nagbibigayan din sila, kung tutousin perpekto ang bayang ito. Kabilang na dito ang pamilya ni Mang Pedro at Aling Rosa at ang nag-iisa nilang anak…
-

Ang Alamat ng Makopa
Sinasabing may isang bayang hindi nakakilala ng gutom dahil may isang gong o batingaw silang nagkakaloob ng kanilang kahilingan. Nabalitaan ito ng mga tulisan kaya nag-ambisyon silang nakawin ang gong at ilipat ito sa ibang lugar. Sa takot ng mga tao sa pagsalakay ng mga tulisan, ibinaon nila ang gong sa isang lugar na malapit…
-

Ang Alamat ng Papaya
Si Payang ay anak ng isang mayamang mag-asawa mula sa Laguna. Ipinagkasundo siya ng ama’t ina sa anak na binata ng pinakamayamang angkan sa kanilang lalawigan. Lingid sa mga magulang ay may nobyo na ang dalaga. Ito si Pepe, isang magsasaka. Nagpasyang magtanan sina Pepe at Payang upang hindi mag-kahiwalay. Ngunit natuklasan iyon ng ama…
-

Alamat ng Mangga
Noong araw ang mga punong manggang tanim ni Tandang Isko ay pare-pareho lamang ang bunga. Ito’y maliliit at ang tawag dito ay “pahutan”. Matamis kapag hinog, kaya gustong-gusto ng mga bata ang pahutan. Marami ang natutuwa kapag panahon ng pamumunga, dahil ang matandang may-ari ay hindi maramot. Minsan, may magandang dalagang sa manggahan ni Tandang…
-

Ang Alamat ng Duhat
Si Duha at si Simang ay dalawa sa pinakamagandang dilag sa kanilang nayon. Pareho silang matalino at magaling sa iba’t ibang bagay. Mula pagkabata ay sila na ang matalik na magkaibigan at madalas na magkalaro, hanggang sila ay magdalaga ay hindi pa rin sila mapaghiwalay. Pangako nila ay walang makakasira sa kanilang pagkakaibigan. Ngunit hindi…
