Ang mga kwentong bayan, katulad ng mga alamat, ay mga salaysay ng ating mga ninuno na nagpasalin-salin at kadalasan hindi na kilala ang orihinal na may akda. Ito ay nagpapalipat-lipat sa bibig ng mga tao kung kaya’t may iba’t-ibang bersyon na ito sa paglipas ng panahon.
-

Bakit Laylay Ang Balat Sa Leeg Ng Baka?
Minsan, may isang mahirap na magsasaka na nagmaymay-ari ng isang baka at isang kalabaw. Ang dalawang ito lang ang kayamanan niya. Araw-araw dinadala ang mga ito sa bukid upang mag-araro. Pinagtatrabaho niya nang sobra ang kaniyang mga alagang hayop kaya madalas silang magreklamo sa kaniya. Subalit hindi sila pinakikinggan ng malupit na amo. Isang araw…
-

Ang Kuwento ng Mga Daliri
“Bakit po,” ang tanong ni Antonio sa kaniyang lolo, isang araw, “nakahiwalay sa apat pang ibang daliri ang hinlalaki natin?” “Ngayong panahon lang natin ’yan,” sagot ni Tandang Julian. “Noong unang panahon, magkakatabi sa iisang lugar ang mga daliri ng mga ninuno natin. Isang araw, sobrang nagutom ang hinliliit at humingi siya ng pagkain sa…
-

Ang Nawawalang Kuwentas
Noong unang panahon, may isang uwak na bumili ng magandang kuwintas mula sa isang mangangalakal. Ipinagmamayabang niya ang nabili kaya isinabit niya kaagad ito sa leeg niya upang makita ng lahat. Pagkaraan, lumipad siya sa malayo hanggang sa nakarating sa isang magandang maliit na hardin. Doon niya nakita ang matagal na niyang kaibigan na si…
-

Ang Kalapati At Ang Uwak
Ilang araw makalipas ang pagbaha sa mundo, inutusan ng Diyos ang uwak na pumunta sa mundo upang malaman kung gaano kalalim ang tubig sa lupa. Nang nasa mundo na siya, namangha siya sa nakitang dami ng hayop na namatay sa lahat ng dako. Naisip niyang mukhang masarap ang mga ito, kaya tumungtong siya sa isa…
-

Ang Alamat ng Luha
Naging usap-usapan si Luwalhati sa Baryo Asisto dahil sa madalas niyang pagpunta sa gitna ng dagat. Tuwing alas-kwatro kasi ng hapon ay naglalayag ito tangay ang lampara at munting kuwaderno. Sa gitna ng dagat kasi nakakapag-isip ng malaya si Luwalhati, hindi lamang ito lubos na maunawaan ng mga tao sa Baryo Asisto. Noong panahon ni…
-

Ang Alamat ng Karagatan
Nainip sa ilalim ng karagatan si Amansinaya, ang bathala ng tubigan, noong musmos pa ang daigdig. Wala siyang makitang kaaya-aya, kundi ang malalamig na bato sa pusod ng dagat; o ang mapuputing buhangin sa gilid ng pasigan. Wala siyang makausap, at nayamot siya sa paglipas ng mga araw. Umulan man at umaraw, ang kaniyang kapangyarihan…
-
![[Woodpecker] Ang Alamat ng Batuktok](https://www.mgakwentongbayan.com/wp-content/uploads/2022/04/batuktok.jpeg)
[Woodpecker] Ang Alamat ng Batuktok
Noon daw unang panahon ay may isang matandang lalaki na nagpapalipat-lipat sa mga bayan upang mangaral. Ang sabi ng ilan ay si Apostol Pedro raw ito ngunit may nagsasabi naman iyon si San Pablo. Anu’t anuman, isang araw ay nakarating ang mangangaral sa isang malayong bayan makaraan ang mahabang mga oras ng paglalakbay. Pagod na…
-

Ang Alamat ng Mindanao
Mayroon isang Sultan sa isang pulo na kilala hindi lamang dahil siya ay isang dugong bughaw, kundi dahil rin sa kanyang katangian. Di lamang siya mayaman, si Sultan Gutang ay matapang, magandang lalaki at may matipunong pangangatawan. Si Sultan ay may natatanging anak, bukod sa isang prinsesa , nakakaakit ang kanyang kagandahan. Saan ka man…
-

Ang Alamat ng Hipon
Noong unang panahon, ang mundo ay sagana sa likas na yaman. Walang puno ang hindi hitik sa bunga. Walang ilog ang hindi puno ng isda. Ang mga hayop sa gubat ay naglipana din. Dahil dito ang mga tao ay laging may mga piging. Ito ay alay nila bilang pasasalamat kay Bathala. Lahat ng tao, bata…
-

Ang Alamat ng Unang Matsing
Maraming taon na ang nakaraan, may isang munting baranggay sa paanan ng isang bundok. Isang maliit na kubo ang nakatayo sa itaas ng baranggay, sa tagiliran mismo ng bundok na balot ng makapal na gubat. Duon nakatira ang isang matandang babae at ang kanyang apo, isang binatilyo. Masipag ang lola. Hanap-buhay niya ang himayin ang…
-

Ang Alamat ng Bohol
(Alamat ng mga Boholanos) Ang mga tao noon ay naninirahan sa kabila ng ulap. Isang araw, ang kaisa-isang anak na babae ng datu ay nagkasakit. Hindi mapalagay ang datu. “Tanod, may sakit ang anak ko. Humayo ka, papuntahin mo rito ang manggagamot. Ngayon din! “Ngayon din po, Mahal na Datu!” Nang dumating ang matandang manggagamot…
-

Ang Alamat ng Rosas
Noong unang panahon sa isang malayong nayon, ay may isang dalaga na nagngangalang Rosa na kilala dahil sa natatangi nitong ganda at dahil na rin sa kanyang mapupulang mga pisngi, kung kaya’t pinagkakag- uluhan si Rosa ng mga kalalakihan. Isang araw nang dumating ng bahay si Rosa ay nakita niya ang isa sa kanyang mga…
-

Ang Alamat ng Paniki
Noong unang panahon, noong bata pa ang mundo ay nagkaroon ng malaking hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga mababangis na hayop at ng mga ibon. Pinagtatalunan nila kung sino ang mas may karapatang manirahan sa malago at mayamang kagubatan. Parehas na ayaw magbigayan ang dalawang pangkat at pinipilit na sila ang mas nararapat kaysa sa…
-

Ang Alamat ng Bahaghari
Sa simula pa lamang, mayroon ng pitong kulay dito sa mundo. Sila ay sina Pula, Kahel, Dilaw, Luntian, Bughaw, Indigo at Lila. Inatasan sila ni Bathala na magbigay ng kulay dito sa mundo ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi silamagkasundo-sundo. Sinabi ni Bathala, na magtulong-tulong at magbigayan sa lahat ng oras sa isa’t-isa ngunit hindi…
-

Ang Alamat ng Pating
Noong unang panahon daw ay may isang mayamang Palaweno na kilala sa pagiging gahamang usurero. Siya si Kablan na lagi nang gustong pagtubuan ang lahat ng kapitbahay na mangingisda sa kanilang komunidad. Sa sobrang pagpapatubo sa perang ipinauutang, galit na galit ang mga mangingisdang hindi makapalag sa kaswapangan ng kanilang kababayan. Sapagkat baon sa hirap…
-

Ang Alamat ng Butanding
Noong unang panahon, may isang higanteng binata, na nangangalang Tanding, ang namumuhay sa isang bayan sa Bicol. Dahil sa kanyang pagiging higante, malimit ay walang nakikipagkaibigan sa kanya dahil na rin sa takot at pangambang baka saktan sila ng higante. Dahil sa ayaw ring makapaminsala ng binata sa mga tao, naisipan nitong manirahan na lamang…
-

Ang Alamat ng Unang Sirena
Sa isang karaniwang bukid nanirahan ang mag-asawang Vilma at Tirso. Ang kanilang bahay ay malapit sa dagat. Si Tirso ay mangingisda. Ang pangingisda ang pinagkakakitaan ngpamumuhay ng mga taga roon. Sa ikatlong taong pagsasama ng mag-asawa saka pa naglihi si Vilma. Sa kanyang paglilihi laging gustong iulam sa pagkain ay isdang bangus. May mga araw…
-

Ang Alamat ng Lamok
Noong unang panahon sagana sa lahat ng bagay ang bayan ng Tungaw. Mataba ang lupang taniman dito. Masasaya ang mga tao. Ngunit marumi sila sa kanilang kapaligiran. Madalas na naglulusak sa dumi ang mga bakuran. Nagkalat ang mga balat ng prutas kahit saan. Nanlilimahid ang mga bata sa daan. Isang araw, nahintakutan ang lahat sa…
-

Ang Alamat ng Unggoy
Noong unag panahon, ang mag-inang Mara at Karim ay naninirahan sa isang nayon malapit sa gubat. Si Karim ay sampung taon gulang na at ito’y may kakaibang ugali. Sutil siya, matakaw, maninira, mang-uumit, anumang bagay na kanyang mahawakan ay nasisira matapos butingtingin. Kahit gaano karaming pagkain ang itago ng kanyang ina ay inuumit at inuubos…
-

Ang Alamat ng Rambutan
Sa isang malayong pook sa Pilipinas nakatira ang mag-asawang sina Mang Kandoy at Aling Pising.Malapit ang pook na ito sa bundok ng Rabba. Araw- araw nangangahoy si Mang Kandoy sa kagubatan para gawing uling. Si Aling Pising naman ay nagpupunta sa bayan upang ipagbili ang mga nagawang uling. Walang anak sina Mang Kandoy kaya’t ganoon…
