Noong unang panahon may isang maliit na bayan na malayo sa syudad ay may iilan na pamilya ang nakatira.
Masaya at masaganang na naninirahan ang mga tao dito nagtutulungan at nagbibigayan din sila, kung tutousin perpekto ang bayang ito.
Kabilang na dito ang pamilya ni Mang Pedro at Aling Rosa at ang nag-iisa nilang anak na si Ana na siyam taong gulang.
Buwan ngayon ng pag-aani kaya si Mang Pedro at ang iba pang mga kalakihan ay nagtungo sa bukod para anihin ang mga pananim nila.
Tuwang tuwa ang mga tao dahil magaganda ang kanilang ani.
Nakasanayan na ng mga tao ang iimbak ang mga ani nila sa bahay imbakan na nakatayo malapit sa palayan ng bayan nila, naguuwi lang sila ng konti sa bahay nila upang merong mapagsaluhan.
Sina Aling Rosa naman at Ana ay nag tungo sa ilog upang maglaba, masasabi mong malinis ang ilog dahil makikita mo ang malilinis na bato sa ilalim ng tubig makikita mo din ang ibat-ibang uri ng isda, hipon katang atbp.
Habang nglalaba si Aling Rosa at iba pang may-bahay ay masayang nalalaro at naliligo ang mga bata.
Ilang buwan ang lumipas ay may dumating na malakas na bagyo at sobrang na apektuhan ang kanilang mga pananim, buti na lang at meron silang naimpok na pagkain sa bahay imbakan nila napagsiyahan nilang ang kalahit ng na-iimpok nila dahil hindi nila mapapakinabangan sapagkat kulang sa buwan ang mga ito.
Hindi pa nakakabawi ang bayan nila mula sa pagsalanta ng bagyo ay pineste ang mga pananim nila at dahil dito ay nabawasan ulit ang kanilang inimpok na pagkain.
Pero mas nahirapan sila Aling Rosa ng magkasakit si Mang Pedro, inutusan ni Aling Rosa si Ana Napumunta kay Aling Edna upang humingi ng tulong.
Agad naman na ngpunta si Aling Edna sa bahay nila na daladala ang parte nila sa napaghatian na gulay at bigas.
Ngunit na pansin ni Aling Rosa na wala si Ana, tinanong niya sa babaeng kaharap niya kung nasan si Ana ngunit hindi daw niya kasama ang bata papunta dito dahil nagpaalam ang bata na may pupuntahan.
Ilang oras na ang nakalipas ngunit hindi pa nauwi ang batang si Ana, nagpatulong na si Aling Rosa sa mga kapit-bahay na hanapin si Ana.
Ilang linggo na ay hindi pa na hahanap si Ana, isang delubyo na naman ang dumating sa bayan nila ang matinding init na ikina-tuyo ng mga ilog , batis at palayan namatay ang mga hayop.
Nagugutom na din ang mga tao sa lugar nila at ang dating mapagbigay na mga tao ay nag-aagawan na.
Isang araw ay umuwi si Ana sa kaniyang magulang niya. Kitang-kita sa muka ng ina ang pagtataka dahil may dalang basket na puno ng mga gulay at prutas.
Agad na kumalat ang balita na may dala si Ana na pagkain, kaya sumugod sila sa bahay ni Aling Rosa. Kahit hindi alam ni Aling Rosa kung san nakuha ni Ana ang mga pagkain ay binahagian pa rin niya ang mga taong nagkakagulo sa labas ng bahay nila para magbigyan ng pagkain.
Kinabukasan ay nag paalam ulit si Ana na aalis pagtungo sa kagubatan, dahil tinawag daw siya ulit ng nagbigay ng pagkain sa kaniya.
Nakarating na si Ana sa gubat at pumasok sa isang kweba at lumabas ng may dalang basket na puno ng ibat-ibang uri ng gulay.
Ngunit hindi niya alam na nakasunod ang mga kababayang niyang walang ibang inisip kundi makakuha ng pagkain.
Sinugod ng mga tao ang kweba at kinuha ang mga pagkain na nasa loob, paglabas nila ng kweba ay may narinig sialng malakas ng iyak na babae at unti-unting nagiba ang kweba.
Narinig ni Ana ang malakas na pagiyak alam niya kung saan nang galing ang tinig na yun kaya nag madali siyang tumongo sa kweba.
Sinundan naman siya ng mga magulang niya.
Nang makarating na si Ana at magulang niya sa gubat ay na gulat na lang siya dahil wala na ang kweba agad na man siyang dumapa at umiyak kasabay ng pag-iyak niya ay ang pagbuhos na malakas na ulan.
Lumapit ang mga tao kay Ana at humingi ng tawad sa kaniya sa pagiging marahas ng mga ito.
Pinatawad din man ni Ana ang mga ito. Agad na nagliwanag ang kangitan at may sumibol na punong-kahoy sa ibabaw ng nagibang kweba.
“Ang Punong-kahoy na ito ay tatawagin nating ATIN sapagkat ito ay sa ating lahat!” wika ni Ana.
Lumipas ang mga panahon ay tinawag na itong ATIS!
Leave a Reply