Ang Alamat ng Oso

Dati sa isang bayan, mayroong isang lalaking napakalakas. Iniwan siya ng kanyang mga magulang, pero dahil sa lakas niya, kinumpara siya sa isang oso at pinangalanang “Oso” ng mga taumbayan.

Isang araw, pumunta ang mga kontraktor sa bayan at nagsabing gusto nilang magtayo ng mga condo. Natakot ang mga tao na mawawala ang mga bahay nila. Para ipagtanggol ang bayan at mga tao, pumunta si Oso sa gubat kasama ng mga ibang lalaki at babae sa bayan para harangin ang mga kontraktor.

Habang nasa gubat, nag-away ang mga taumbayan at ang mga kontrakor. Tumakbo ang lahat ng tao dahil sa gulo at hindi nila nakita na pinatay ng kontraktor si Oso. Sandaling napansin ng mga tao na hindi kasama si Oso. Bumalik ang mga lalaki ng bayan sa gubat para hanapin ang katawan ni Oso pero hindi nila ito makita.

Dahil sa nangyari kay Oso, hindi na bumalik ang mga kontraktor. Sinasabi ng mga tao sa bayan na naging oso siya para ipagtanggol ang gubat at bayan. Ngayon, minsan tuwing gabi, nakikita ng mga magsasaka ang isang malaking oso sa paligid ng bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Take stories with you.

Mga Kwentong Bayan
Mga Kwentong Bayan