Ang Pagmamahal sa Kapwa

Isang mataas na bundok ang tinangkang akyatin ng isang grupo ng kalalakihan.

Ngunit sa proseso ng kanilang pag-akyat, isang pagguho ng yelo ang naganap at marami sa kanila ang nasalanta at namatay.

Tatlong lalaki mula sa grupong iyon ang milagrong nakaligtas. Ngunit malubhang napilayan ang isa.

Mamamatay na rin lang ang lalaking iyan, iwan na natin! ang pagyayaya ng isa.

Hindi. Hindi natin siya maaaring iwanan hangga’t may buhay pang nalalabi sa kanya, wika naman ng ikalawa.

At anong gagawin mo? Bubuhatin ang lalaking iyan hanggang sa makababa tayo? Isa kang baliw!

Mas hindi ko makakayang iwan siya rito… ang tugon lamang nito.

Kaya’t nagpatiuna na nga ang lalaking iyon at iniwan ang dalawa.

Samantala, buong pagtitiyaga ngang binuhat ng lalaki ang sugatan. Isinakay niya ito sa kanyang likuran, at yumakap naman sa kanya ang lalaki upang hindi mahulog.

Naglakbay sila sa ganitong ayos, kahit na nga mahirap ay tiniis ng lalaki, mailigtas lamang ang kasama.

Makalipas ang dalawang araw ng paglalakbay, laking gulat ng dalawang lalaki nang madaanan ang isang bangkay.

Bangkay iyon ng lalaking nagpatiuna sa kanila.

Ano ang nangyari? tanong ng napilayang lalaki sa kasama.

Hindi niya marahil nakayanan ang lamig, at bumigay ang kanyang baga.

Pero tayo… nakayanan natin ang lamig.

Dahil magkasama tayo at magkaniig ng ganito. Ang init ng ating mga katawan ang naging proteksiyon natin sa matinding lamig.

Isang mahalagang aral ang natutunan nila habang bumababa na sila ng bundok tungo sa kaligtasan. Na ang pagmamahal sa kapwa ay parating may magandang kinahihinatnan, kaysa sa mga nang-iiwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Take stories with you.

Mga Kwentong Bayan
Mga Kwentong Bayan