Bakit Maraming Bato sa Apayao

Noong unang panahon, may isang matandang lalaki sa Apayao na nakaisip gumawa ng kalsadang paakyat sa langit. Bago siya nagsimulang magtrabaho, ipinagbilin niya sa kanyang asawa na huwag siyang dadalhan ng pagkain sa lugar na ginagawan niya.

“Uuwi na lamang ako kapag ako’y nagutom.” sabi niya.

Ngunit isang araw, tanghali na ay hindi pa dumarating para kumain ang lalaki. Nabalisa ang asawa kaya’t nagpasiyang dalhan ng tanghalian ang lalaki sa pinagtatrabahuan nito.

Nang makita siya ng matandang gumagawa, nagalit ito. “Sinabi ko na sa iyo na huwag kang paparito at uuwi ako kapag ako’y gutom na. Napakakulit mo!”

Dahil sa matinding galit, pinagsisipa niya ang mga batong sana’y gagamitin sa paggawa ng daan patungo sa kalangitan.

Kung pupunta ka ngayon sa Apayaw or Apayao, mapapansin mong maraming bato sa paligid. Maraming bundok ay tila malalaking tipak na bato.

Maraming bundok ay tila malalaking tipak na bato. Pati nga ang ilog ay nakakatakot pamangkaan dahil punung-puno ito ng bato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Take stories with you.

Mga Kwentong Bayan
Mga Kwentong Bayan