Ang mga kwentong bayan, katulad ng mga alamat, ay mga salaysay ng ating mga ninuno na nagpasalin-salin at kadalasan hindi na kilala ang orihinal na may akda. Ito ay nagpapalipat-lipat sa bibig ng mga tao kung kaya’t may iba’t-ibang bersyon na ito sa paglipas ng panahon.
-

Indarapatra at Sulayman (Epiko ng Maguindanao)
Ang Indarapatra at Sulayman ay isang epikong-bayan ng mga Maguindanao sa Mindanao. Inaawit na ito bago pa man dumating ang paniniwalang Islam sa isla. Pangunahing tauhan nito ang magkapatid na sina Raha Indarapatra at Raha Sulayman at kung paano nila iniligtas ang Mindanao laban sa mga halimaw. Hari si Indarapatra ng Mantapuli, isang malaki at…
-

Agyu (Epiko ng Mindanao)
Si Agyu ang pangunahing bayani ng sinaunang epikong-bayan na Olaging at Ulahingan sa Mindanaw. Olaging ang tawag sa epikong-bayan ng mga Bukidnon at sinasabing ukol lámang ito sa búhay at pakikipagsapalaran ni Agyu. Sa kabilâng dako, ayon kay Elena G. Maquiso (1977), ang Ulahingan ay isang sanga ng epikong-bayang Bendigan at nakaukol sa búhay ni…
-

Bidasari (Epikong Mindanao)
Ang epikong Bidasari ng Kamindanawan ay nababatay sa isang romansang Malay. Ayon sa kanilang paniniwala, upang tumagal ang buhay ng tao, ito’y pinaaalagaan at iniingatan ng isang isda, hayop, halaman o ng punongkahoy. Buod ng Bidasari Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang ibong ito ay mapaminsala sa mga pananim at…
-

Olaging (Epiko ng Bukidnon)
Ang Olaging ng Bukidnon ay isang epikong-bayan tungkol sa labanan sa Nalandangan at ang pagtatanggol dito ng bayaning si Agyu at kaniyang angkan. Kuwento ito ng mga taong nagpapahalaga at nagmamalaki ng kanilang lupain at ng mga pagdiriwang para sa kanilang lahi at ng bayaning si Agyu. Bagaman mayroong mga pinsala, naipanalo nila ang labanan.…
-

Sandayo (Epiko ng Zamboanga)
Ang Sandayo ay epikong-bayan mula sa mga Subanon na naninirahan sa bulubunduking nasa hanggahan ng Hilaga at Timog Zamboanga. Kinalap, itinala, at isinalin ito sa Ingles ni Virgilio Resma, isang pampublikong guro sa Misamis, mula sa salaysay ng isang babaeng Subanon na kilala bilang si Perena, sa loob ng pitong magkakasunod na gabi, simula ika-9…
-

Tudbulul (Epiko ng Mindanao)
Ang Tudbulul ay isang epikong katutubo ng mga taong Bukidnon sa Mindanao. Ito ay tungkol sa isang bayaning Bukidnon na pinangalanan nilang Tudbulul. Narito ang buong kwento ng Tudbulul: Noong mga unang panahon, sa lupain ng mga Bukidnon, may isang malakas at mabait na lalaki na pinangalanan nilang Tudbulul. Siya ay isang mandirigma, matapang at…
-

Tuwaang (Epiko ng Mindanao)
Tuwaang ang pamagat ng epikong-bayan ng mga Manobo, mga taong nakatira sa hanggahan ng Cotabato, Bukidnon, at Davao, at tungkol sa pakikipagsapalaran ng bayaning si Tuwaang. Sinasabing may mahigit sa 50 kanta ang mga Manobo tungkol kay Tuwaang. Dalawa sa mga ito ang naitala at ipinalathala ni E. Arsenio Manuel, ang Mangovayt Buhong na Langit…
-

Alamat Ng Valentine’s Day
Noong unang panahon sa may dakong silangan, may isang kaharian natinatawag na Caste Dietre. Mapapansin mo kahit malayo ito dahil samatitingkad na perlas na nakapalibot dito. Sa kahariang iyon ay may isangbatang lalake na nangangalang Valen na kilala bilang masayahin, pasaway atlalo na dahil siya ay ang bunsong anak ni Haring Caste at Reyna Dietre.…
-

Ang Balyenang Naghangad
Ang balyena marahil ang pinakamalaking nilalang sa mundo. Ngunit ito’y naging dahilan upang magyabang ang isang balyena. Ang sabi niya, Ako ang pinakamalaking nilalang sa mundo, kaya’t hindi ako nararapat sa karagatan lang! Sa lupa, mas higit nila akong kikilalanin at hahangaan! Sa ‘di kalayuan ng aplaya, nakita niyang maliwanag ang landasin doon. At madalas…
-

Ang Alibughang Anak
Ang isang mayamang ama’y may dalawang anak na kapwa lalaki. Hiniling ng batang anak na ang ganang kanya sa kayamanan ng kanyang ama ay ibigay na sa kanya. Nang makuha na nang bunso ang kanyang mana ay tumungo sa malayong bayan at nilustay ang kabuhayang ipinagkaloob ng ama. Naubos na lahat ang kanyang salapi. Namumulubi…
-

Ang Alamat ng Bigas
Noong araw, ang bigas ay hindi kilala rito sa ating bayan. Ang kinakain ng ating mga ninuno ay mga bungangkahoy, gulay, isda, ibon at mga maiilap na hayop na kanilang nahuhuli sa kagubatan. Hindi sila marunong magbungkal ng lupa. Hindi rin sila marunong mag-alaga ng hayop. Kapag sa isang pook na tinitigilan nila ay wala…
-

Ang Alamat ng Araw at Gabi
Noong unang panahon ay panay na liwanag at walang dilim, sapagkat sina Adlaw at Bulan ay mag-asawang maligayang namumuhay. Sila ay nagkaroon ng maraming anak. ang kanilang anak ay mga tala at bituin na nagkakalat kung kaya’t lalong nagliwanag sa kalangitan. Minsan ay nagkagalit nang malubha ang mag-asawa na humantong sa paghihiwalay. Pinamili ang mga…
-

Tong Tong Tong Pakitong-Kitong
Tong, tong, tong, tong, Pakitong-kitongAlimango sa dagat, malaki at masarapKay hirap hulihin, sapagkat nangangagat Tang, tang, tang, tang, Pakatang-katangAlamanga sa dagat, malaka at masarapKay harap halahan, sapagkat nangangagat Teng, teng, teng, teng, Peketeng-ketengElemenge se deget, meleke at meserepKey herep helehen, sepegket nengengeget Ting, ting, ting, ting, Pikiting-kitingIlimingi si digit, miliki it misiripKiy hirip hilihin, sipigkit…
-

Dandansoy
Dandansoy, bayaan ta ikawPauli ako sa PayawUgaling kon ikaw hidlawon,Ang Payaw imo lang lantawon. Dandansoy, kon imo apasonBisan tubig dì ka magbalonUgaling kon ikaw uhawonSa dalan magbubon-bubon. Konbento, sa diin ang cura?Munisipyo, sa diin hustisya?Yari si Dansoy makiha,Makiha sa paghigugma. Panyo mo kag ini’ng panyo ko,Gisi-gisi-a kay tambihon ko,Ugaling kon magkasilo,Bana ta ikaw, asawa mo…
-

PARU-PARONG BUKID
Paruparong bukid na lilipad-lipadSa gitna ng daan papaga-pagaspasIsang bara ang tapisIsang dangkal ang manggasAng sayang de kolaIsang piyesa ang sayadMay payneta pa siya — uy!May suklay pa man din — uy!Naguas de ohetes ang palalabasinHaharap sa altar at mananalaminAt saka lalakad nang pakendeng-kendeng. May payneta pa siya — uy!May suklay pa man din — uy!Naguas…
-

Ang Pipit
May pumukol sa pipit sa sanga ng isang kahoyAt nahagip ng bato ang pakpak ng munting ibonDahil sa sakit, di na nakaya pang lumipad At ang nangyari ay nahulog, ngunit parang taong bumigkas,“Mamang kay lupit, ang puso mo’y di na nahabag,Pag pumanaw ang buhay ko, may isang pipit na iiyak … May pumukol sa pipit…
-

Alamat ni Mariang Sinukuan
Sa Bundok ng Arayat sa Pampanga nakatira ang isang engkantada. Kilala siya doon bilang Mariang Sinukuan. Magandang-maganda si Maria. Matangkad siya at kaakit-akit kung pagmamasdan mula ulo hanggang paa. Kapansin-pansin ang tamis ng kaniyang ngiti. Mapapatingin ka kapag nagsalita na siya sapagka’t hindi mo maipaliwanag kung anong misteryo ang bumabalot sa katauhan niya. Natural lang…
-

Kung Ikaw ay Masaya
Kung ikaw ay masaya, tumawa ka!Ha ha ha!Kung ikaw ay masaya, tumawa ka!Ha ha ha!Kung ikaw ay masaya,Buhay mo ay sisigla.Kung ikaw ay masaya, tumawa ka!Ha ha ha! Kung ikaw ay masaya, pumalakpak!(Pumalakpak ng tatlong beses)Kung ikaw ay masaya, pumalakpak!(Pumalakpak ng tatlong beses)Kung ikaw ay masaya,Buhay mo ay sisigla.Kung ikaw ay masaya, pumalakpak!(Pumalakpak ng tatlong…
-

Sampung mga Daliri
Sampung mga daliri, kamay at paa, Dalawang tainga, dalawang mata, Ilong na maganda. Maliliit na ngipin, masarap kumain, Dilang maliit, nagsasabing Huwag magsinungaling.
-

Ang Unggoy At Ang Buwaya
Isang araw, habang naghahanap ng pagkain ang matalinong unggoy sa tabi ng ilog, nakita niya ang puno ng makopa na hitik na hitik sa hinog na bunga. Ang puno ay nasa kabilang pampang lang ng ilog kung saan nakatira ang batang buwaya. Matapos niyang makain ang lahat ng prutas na gusto niya, bumaba na sa…
