Ang mga kwentong bayan, katulad ng mga alamat, ay mga salaysay ng ating mga ninuno na nagpasalin-salin at kadalasan hindi na kilala ang orihinal na may akda. Ito ay nagpapalipat-lipat sa bibig ng mga tao kung kaya’t may iba’t-ibang bersyon na ito sa paglipas ng panahon.
-

Ang Alamat ng Daigdig (version 2)
Noong unang panahon mayroon lamang langit at dagat. Ang bathala ng langit ay si Kaptan. Ang bathala ng dagat ay si Magwayen. May anak si Kaptan. Ang pangalan ay Lihangin. May anak si Magwayen. Ang pangalan ay Lidagat. Ipinakasal nila ang kanilang mga anak. Nagkaanak ang mag-asawa ng apat na lalaki. Ang mga pangalan ay…
-

Ang Alamat ng Dama de Noche
Noong unang panahon ang mga pamayanan o mumunting kaharian sa ating kapuluan ay pinamumunuan ng mga datu at sultan. Sila ay iginagalang at pinagsisilbihan ng mga taong kanilang mga nasasakupan. Nasusunod nila ang bawat maibigan. Nakapamimili sila ng babae na pakakasalan nila. Ganito ang katayuan ni Datu Makisig. Bata pa siya at makisig kaya maraming…
-

Ang Alamat ng Ibong Maya
Si Rita ay isang batang lubhang malikot. Ang kanyang ina ay laging naiinis sa mga ginagawa niyang hindi dapat gawin ng mga batang katulad niya. Isang araw, ang kanyang ina ay nagbayo ng palay. Si Rita ay nanood sa kanyang ina. Siya’y gutom na gutom sapagka’t galing siya sa laruan. Nang mayroon ng isang salop…
-

Ang Alamat ng Ilang Ilang
Sa bayan ng Tayabas ang pinakamagandang dalaga ay nagngangalang Ilang. Maraming mayayamang binata ang nanliligaw sa kanya. Ngunit ang kaniyang nagugustuhan ay si Edo. Isang mahirap na magsasaka. Nagalit ang magulang ni Ilang. Ang gusto nilang mapangasawa ni Ilang ay isang mayamang lalaki. Pinagbawalan nila si Ilang na makipagkitang muli kay Edo. Ngunit lihim pa…
-

Ang Alamat ng Kamya
Sa isa raw malayong nayon ay may isang napakagandang dalagita na ang pangalan ay Miya. Siya at ang kanyang matandang ingkong ay nakatira sa isang dampa na nasa tabi ng ilog. Ang kanilang ikinabubuhay ay ang pamimingwit ng isda, pamumulot ng suso at pangunguha ng pako at gabe sa pampang ng ilog. Kanila itong inilalako…
-

Ang Alamat ng Lahing Tagalog
Noong araw ay may dalagang nagngangalang Simang. Napakaganda niya kaya’t maraming binatang nangingibig sa kanya. Halos wala na siyang itulak-kabigin sa mga ito. Isang araw ay nagpasya si Simang: Sinuman sa inyo ang makapagdala sa akin ng isang malaki at buhay na sawa ay pakakasalan ko. Hindi agad nakasagot ang mga binata. Sawa? Mahirap humuli ng isang sawa.…
-

Ang Alamat ng Lawa ng Bulusan
Saan nagmula ang Lawa ng Bulusan? Ganito ang kuwento ng matatanda sa nagpapaliwanag ng pinagmulan ng maganda at kahanga-hangang lawa sa tuktok ng bundok. Noong unang panahon, si Datu Bulan ay kilalang-kilala sa buong Kabikulan dahil sa kaayusan niyang gumamit ng busog at pana. Nakilala rin siya bilang mabuting puno ng kanyang nasasakupan. Matagal ding…
-

Ang Alamat ng Palendag
Ang palendag ay isang instrumentong pang-musika ng mga Magindanaw. Ito’y galing sa salitang Magindanaw na lendag, na nangangahulugang paghikbi. Gawa ito sa isang uri ng kawayang tinatawag na bakayawan ang mga katutubo. Ito’y may habang dalawa hanggang tatlong talampakan, may tigdadalawang butas sa magkabilang gilid na isang pulgada ang pagitan. Tinutugtog ito na gaya ng plauta. Karaniwang tinutugtog…
-

Biag ni Lam-ang (Epikong Ilokano)
Sinasabing pinakapopular na epikong-bayan, ang Biag ni Lam-ang ay nagmula sa Hilagang Luzon, partikular na sa mga lalawigan ng Ilocos at La Union. Nag-iisa itong Kristiyanisadong epikong-bayan at pruweba nitó ang paggamit ng mga pangalang naimpluwensiyahan ng Katolisismo. Sinasabing ang paring si Gerardo Blanco ang nagtalâ ng epikong-bayan noong 1889 at si Canuto Medina na…
-

Hudhud (Epiko ng Ifugao)
Sa lipunang Ifugaw, ang Hudhúd ay isang mahabang salaysay na patula na karaniwang inaawit sa panahon ng tag-ani, o kapag inaayos ang mga payyo o dinadamuhan ang mga palayan Inaawit din ito kapag may lamay sa patay at ang yumao ay isang táong tinitingala dahil sa kaniyang yaman o prestihiyo. Kinakanta ang Hudhud sa mga…
-

Kudaman (Epiko ng Palawan)
Isa ang Kudaman sa umaabot sa 60 tultul o epikong-bayan ng pangkating Palawan na nakolekta ni Nicole Revel-Macdonald pagkatapos ng 20 taóng saliksik mulang 1970. Ang saliksik ni Revel-Macdonald ay patunay sa napakayamang panitikang-bayan ng Filipinas. Ang bayaning si Kudaman ay datu ng Kapatagan, may putong na kalapati at may tahanang naliligid ng liwanag. May…
-

Manimimbin (Epiko ng Palawan)
Ang Maninimbin ay isa sa mga nalikom at reirekord ng etnolohistang Pranses na si Nicole Revel sa kaniyang pagsasaliksik sa Palawan. Narinig niya ang epikong-bayan kay Masinu. Nalathala ito sa Paris noong 2000 na may kalakip na mga salin sa Pranses at Ingles. Isa pang epikong-bayang Palawanon, ang Kudaman, ang inilathala sa Paris noong 1983…
-

Parabula ng Sampung Dalaga
Ang pagpasok sa kaharian ng Diyos ay maitutulad sa talinghagang ito. Mayroong sampung dalaga na lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Lahat sila ay may dalang ilawan. Lima sa mga dalaga ay matatalino samantalang ang lima ay hangal. Bagama’t may dala-dalang ilawan ang limang dalagang hangal, wala naman silang baon na langis na reserba. Kabaligtaran…
-

Nawawalang Tupa
Isang araw ay lumapit kay Jesus ang mga taong makasalanan at mga maniningil ng buwis upang makinig sa kanyang mga turo. Nakita ito ng mga Pariseo at mga tagapagturo ng kautusan kaya sila ay nagbulung-bulungan. Nakikisama at nakikisalo daw umano si Jesus sa mga taong makasalanan. Nang marinig ito ni Jesus ay kanyang ibinahagi ang…
-

Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa Lawa
Nang minsangs sumakay si Jesus sa bangka kasama ang kanyang mga alagad ay bumugso sa lawa ang isang malakas na bagyo. Sa lakas ng bagyo ay halos matabunan na ng alon ang bangkang sinasakyan nila. Nagkataon namang natutulog noon si Jesus kaya ang mga alagad ay nilapitan at ginising siya. “Panginoon, tulungan ninyo kami! Mamamatay…
-

Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin
Sa paglalakbay ni Jesus patungong Jerusalem ay dumaan siya sa gitna ng Samaria at Galilea. Nang papasok na siya sa isang nayon ay sinalubong siya ng sampung lalaki na may ketong. Nakatayo sa malayo ang sampu at sumigaw ng, “Jesus! Panginoon! Mahabag po kayo sa amin!” Nang makita sila ni Jesus ay sinabi nitong, “Humayo…
-

Ang Talinghaga Tungkol sa Pariseo at Publikano
Isang araw ay may dalawang lalaki na pumasok sa templo upang manalangin, ang isa ay Pariseo at ang isa ay publikano o maniningil ng buwis. Tumayo ang Pariseo at pabulong na nanalangin ng ganito, “O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo pagkat hindi ako katulad ng iba – mga magnanakaw, mga mandaraya, mga mangangalunya – o…
-

Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin
May isang taong maglalakbay kaya tinawag niya ang tatlo niyang alipin upang pamahalaan ng kanyang ari-arian. Binigyan niya ng pera ang bawat isa ayon sa kanilang kakayahan. Ang unang alagad ay binigyan niya ng limanlibong salaping ginto, dalawang libong salaping ginto naman sa ikalawang alipin, at isang libong salaping ginto sa ikatlo. Pagkatapos nito ay…
-

Bakit Ikinakawag Ng Mga Aso Ang Kanilang Buntot
May isang mayamang lalaki sa isang bayan na may alagang aso at pusa na talaga namang maraming pakinabang sa kaniya. Ang aso’y marami nang napagsilbihang amo at tumanda na rin ito nang husto kaya hindi na kayang makipaglaban pa. Ngunit mabuti siyang gabay at kasa-kasama ng pusa na malakas at matalino. May anak na babae…
-

Bakit Hati Ang Kuko Ng Kalabaw?
Minsan nagkasalubong ang kalabaw at ang pagong sa daan. Naglakad sila sa kagubatan at nagkaroon ng magandang pag-uusap. Ang pagong ay komikero, at madalas magpamalas ng kaniyang galing sa pagkuha ng pagkain na may halong pandaraya. Gustong-gusto niya maging kaibigan ang kalabaw sapagkat naisip niya na kapag naging magkaibigan sila, ang malaking hayop na ito…
