Pinakamagandang Maiikling Kuwento na Nasulat

Pinakamagandang Maiikling Kuwento na Nasulat

Ang mga kwentong bayan, katulad ng mga alamat, ay mga salaysay ng ating mga ninuno na nagpasalin-salin at kadalasan hindi na kilala ang orihinal na may akda. Ito ay nagpapalipat-lipat sa bibig ng mga tao kung kaya’t may iba’t-ibang bersyon na ito sa paglipas ng panahon.


  • Nang Magtampo ang Buwan

    Nang Magtampo ang Buwan

    Naiinggit siya sa araw, dahil ito’y mas sikat at hinahangaan ng mga tao kaysa sa kanya. Samantalang siya’y simbolo lamang ng malalagim na bagay. At kung minsan ay ginagawang palatandaan ng kabaliwan! Walang nananabik sa kanyang pagsikat at walang nanghihinayang sa kanyang paglubog. Habang ang araw ay parating inaabangan ang pagsikat at ikinalulungkot ang paglubog…

  • Ang Regalo ng Liwanag

    Ang Regalo ng Liwanag

    Noong unang panahon, sa isang malamig na bahagi ng mundo, may isang grupo ng mga taong naninirahan. Sinasabing ang mga taong ito ang isa sa mga sinaunang nilalang. Marami pa silang bagay na hindi nalalaman o natutuklasan. Napakabata pa ng sibilisasyon at payak pa ang pamumuhay. Isang araw, isa sa mga tao sa grupong ito…

  • Ang Pulubi at ang Mahabaging Diwata

    Ang Pulubi at ang Mahabaging Diwata

    Matagal nang pinagmamasdan ng Diwatang mahabagin ang isang pulubi sa lansangan ng bayan. Awang-awa siya rito. Matanda na ang pulubing babae. Walang kasama at batid niyang nag-iisa ito sa buhay dahil walang pamilya. Minsan, nais sana niyang alamin ang dahilan kung bakit nagkaganoon ang naging kapalaran ng kawawang pulubi. Ngunit wala siyang kakayahang bumalik sa…

  • Ang Pinakamaliit na Bato

    Ang Pinakamaliit na Bato

    Ang guro at ang kanyang mga estudyante ay naglalakad sa isang bulubunduking lugar. Malayo pa ang kanilang lalakbayin. Ang mga estudyante ay nakaramdam na ng gutom. Wala naman silang nadaraanang puno na may bunga para makapitas sila ng makakain. Dalawang batis na ang kanilang dinaanan. Uminom silang lahat sa dalawang batis. Napawi naman ang kanilang…

  • Ang Palaka na Naghahangad Lumipad

    Ang Palaka na Naghahangad Lumipad

    Minsan may isang palakang tumingala sa langit at humanga sa mga ibong nagliliparan. Gusto ko ring makalipad na tulad nila! ang sabi niya. Ngunit ang tanong ay papaano? Isang hapon, nakakita ang palaka ng lobong lumilipad. Noon niya naisip ang solusyon sa kanyang paghahangad. Gaya ng lobo, pupunuin ko ng hangin ang aking tiyan upang…

  • Ang Pagmamahal sa Kapwa

    Ang Pagmamahal sa Kapwa

    Isang mataas na bundok ang tinangkang akyatin ng isang grupo ng kalalakihan. Ngunit sa proseso ng kanilang pag-akyat, isang pagguho ng yelo ang naganap at marami sa kanila ang nasalanta at namatay. Tatlong lalaki mula sa grupong iyon ang milagrong nakaligtas. Ngunit malubhang napilayan ang isa. Mamamatay na rin lang ang lalaking iyan, iwan na…

  • Ang Manok at ang Gintong Itlog

    Ang Manok at ang Gintong Itlog

    May isang babaing nakabili ng buhay na manok sa palengke. At nang ito’y kanyang iuwi sa bahay upang alagaan, laking gulat niya nang mangitlog ito. Sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay ginto! Laking tuwa ng babae sa kanyang natuklasan! Tiyak na ito ang magbibigay sa kanya ng kayamanan! Ngunit ang manok ay minsan…

  • Ang Magkapatid

    Ang Magkapatid

    Minsan may magkapatid na naninirahan sa isang bayan. Ang isa ay mayaman. At ang isa naman ay mahirap na walang ibang pinagkakabuhayan kundi ang pagtatanim ng kalabasa. Isang araw, namunga ng isang kakaibang kalabasa ang kanyang pananim. Isang kalabasang may pambihirang laki! Hindi alam ng lalaki ang kanyang gagawin sa dambuhalang kalabasa. Naisin man niyang…

  • Ang Magandang Dilag at ang Kuba

    Ang Magandang Dilag at ang Kuba

    Minsan may isang magandang dilag na sinusuyo ng halos lahat ng kalalakihan sa nayon. Ngunit ang magandang dilag ay tila mapili o sadyang pihikan. Sa dinami-rami ng mga manliligaw nito’y wala pa ring mapili. Ayon sa magandang dilag, hindi lang panlabas na anyo ang batayan nito sa pagpili ng lalaking mapapangasawa. Ang hinahangad nito ay…

  • Ang Ginintuang Aral

    Ang Ginintuang Aral

    May isang mag-asawang may anak na batang lalaki. Kasamang naninirahan ng pamilyang ito ang ama ng Tatay. Noong una, maligayang nakakatulong ng mag-asawa sa paghahanapbuhay ang ama at masayang nakakasama ng bata ang kanyang Lolo sa paglalaro. Ngunit dumating ang sandaling tuluyan nang inagaw ng katandaan at madalas na pagkakaroon ng karamdaman ang lakas ng…

  • Ang Alamat ng Pechay

    Ang Alamat ng Pechay

    Sa isang nayon sa Bungahan ay may mag-anak na naninirahan na ubod ng ingay.Maraming mga puno at halaman sa lugar na iyon. Madalas na inuutusan ng nanay ang kanyang mga anak na sina Fe at Chai na mamitas ng mga bunga ng puno at halaman.Pilyo ang magkapatid kaya madalas mapagalitan at nasisigawan ng kanilang ina.…

  • Ang Alamat ng Bundok Arayat

    Ang Alamat ng Bundok Arayat

    Ang Bundok sa Arayat na nakapatungo sa mga lalawigan ng Kapampangan at Nueva Ecija ay may iniingatang mga kahiwagaan na nagkasali-salin na sa mga maraming paniniwala. Sa maraming kapaniwalaang iyan ay lalong bansag ang mga talang nababanggit sa lathalang ito, dahil sa pagkakatanim sa diwa ng napakarami nang salin ng lahi sa Arayat at kanonog-bayan.…

  • Ang Alamat ng Palaka

    Ang Alamat ng Palaka

    Sa gitna ng kaharian ng Renaia, isang dalaga ang nakatira sa munting palasyo. Siya si Helena, nag-iisang anak siya nina Haring Bernardo at Reyna Lorena. Pinagmamalaki ng mag-asawa ang kanilang anak dahil hindi lang maganda si Lorena kundi ay matalino at may mabuting kalooban din. Tuwing umaga ay hindi sumasablay si Helena sa pagbati sa…

  • Ang Alamat ng Daliri

    Ang Alamat ng Daliri

    Mapapansing nakahiwalay ang hinlalaki sa apat pang mga daliri natin. Noong unang panahon magkakasama ang limang daliri ng tao. Dahilan sa isang di inaasahang pagtatalo ay nagkaroon ng aberya ang grupo. Ganito ang nangyari noon. Masakit na masakit ang tiyan ni Hinliliit kaya nagmamakaawa itong lumapit sa Palasingsingan. “Parang awa mo na. Gutom na gutom…

  • Ang Alamat ng Bundok Banahaw

    Ang Alamat ng Bundok Banahaw

    Noong ang malaking Bundok sa gitna ng pulong Luzon ay hindi pa kilala sa pangalang Banahaw ay meron ng maraming tahanang nakatayo sa paanan ng bundok na pinaninirahan ng mga tao lalo na yaong malapit sa ilog. Sa maraming mag-aanak na doon nakatira ay kabilang ang mag-asawang Lukban at Bayabas. Iisang anak nilang lalaki, si…

  • Ang Alamat ng Hagdan-Hagdang Palayan sa Ifugao

    Ang Alamat ng Hagdan-Hagdang Palayan sa Ifugao

    Ang guro sa Banaue ay kinakausap ng isang lider ng sitio. Ang sabi ng lider, “Ipinagmamalaki ng Banaue ang kanyang alamat na bantog na nantog sa buong Bulubundukin. Ang Ifugao Rice Terraces ay ikawalong himala sa daigdig. Alam mo ba kung paano nagmula ito?” Si G. Malintong ang guro ay sumagot, “Ikinalulungkot ko hindi ko…

  • Ang Alamat ng Tiaong sa Probinsya ng Quezon

    Ang Alamat ng Tiaong sa Probinsya ng Quezon

    Sa isang bayan sa lalawigan ng Quezon ay may nakatirang isang matanda at mayamang babae. Napakabait at napakamatulungin niya sa kanyang kapwa, lalung-lalo na sa mga nangangailangan. Dahil sa katangian niyang ito, siya ay napamahal sa mga tao. Bukod sa kanyang pagiging mapagkawanggawa, siya rin ay relihiyosa. Araw-araw siyang nagsisimba upang makinig ng misa. Sa…

  • Ang Alamat ng Pangalan ng Los Baños

    Ang Alamat ng Pangalan ng Los Baños

    Ito naman ang pinagmulan ng pangalan ng Los Baños. May lugar sa Laguna na kilalang-kilala sa dami ng mga bukal. Ang tawag sa lugar na ito noon ay Baño. Ang lugar ay ginawang paliguan. Ang ibig sabihin ng baño sa salitang Kastila ay paliguan. Ang bañar ay salitang Kastila na ang ibig sabihin ay ligo. Maraming…

  • Ang Alamat ng Pangalan ng Laguna De Bay

    Ang Alamat ng Pangalan ng Laguna De Bay

    Ito naman ang pinagmulan ng pangalang Laguna De Bay. Noong araw, ag mga Kastila ay pumasok sa ating bansa. Ang una nilang nakita ay ang dagat sa gitna ng malaking pulo sa bayan ng Laguna. Ito ay ang “Lagoon of Ba-y.” Ang “Lagoon of Ba-y” ay isinalin sa Wikang Kastila, “Laguna De Bay.” Mula noon…

  • Ang Alamat ng Chocolate Hills

    Ang Alamat ng Chocolate Hills

    Noong unang panahon, sa probinsiya ng Bohol, parting Kabisayaaan, may lupang malawak subali’t ito ay tuyot. Makikita mong biyak-biyak ang lupain kapag tag-init. Talagang pagpapawisan ka kapag napadaan ka sa lugar. Subali’t kapag tag-ulan ito ay maputik at siguradong mababaon ang iyon paa kapag ikaw ay naka-yapak. Ngunit kung araw ng taniman ay maaliwalas ang…

Take stories with you.

Mga Kwentong Bayan
Mga Kwentong Bayan