Pinakamagandang Maiikling Kuwento na Nasulat

Pinakamagandang Maiikling Kuwento na Nasulat

Ang mga kwentong bayan, katulad ng mga alamat, ay mga salaysay ng ating mga ninuno na nagpasalin-salin at kadalasan hindi na kilala ang orihinal na may akda. Ito ay nagpapalipat-lipat sa bibig ng mga tao kung kaya’t may iba’t-ibang bersyon na ito sa paglipas ng panahon.


  • Ang Alamat ng Chocolate Hills version 2

    Ang Alamat ng Chocolate Hills version 2

    Noon ay may isang malawak na kapatagan ang Chocolate Hills. Mayaman at mataba ang lupa nito. May higante ring nakatira doon. ‘Yun ang paniniwala ng mga tao noong panahon ng Kastila’. Mabait at matulungin ang higante. Tinutulungan niya ang mga tao roon na magtanim at mag-alaga ng hayop. Pinuputol din niya ang mga punong gagamitin…

  • Ang Alamat ng Pasig

    Ang Alamat ng Pasig

    Sa Taal nakamalas ng unang liwanag ang magkaibigang Lakan Tindalo at Magat Mandapat. Ang una ay mariwasa samantalang ang huli ay isang dukhang magsasaka. Si Mandapat ay lumaki sa kalinga ni Datu Balkote na nag-aruga sa kanya nang siya’y maulila. Laging magkasamang parang kambal ang magkaibigan lalo kung nagbubungkal ng lupa at nangangaso ng usa…

  • Ang Alamat ng Lahing Kayumanggi

    Ang Alamat ng Lahing Kayumanggi

    Ang Amang Diyos nang bagong lalang ang mundo ay malulungkutin. Kanyang sinabi sa sarili, “Upang huwag akong malungkot, kailangang magkatao ang daigdig. Gagawa ako ng tao.” Pagkasabi nito, Siya’y naghanda ng malaking hurno. Dito Niya lulutuin ang gagawing tao. Siya’y kumipil ng dalawang dakot na lupa, katulad ng pulang 1upang ginagamit sa paggawa ng palayok.…

  • Alamat ng Palay Version 2

    Alamat ng Palay Version 2

    Noong unang panahon ang mga tao ay walang palay. Ang kanilang kinakain ay gulay, bungang-kahoy, isda, at mga hayop. Sila ay nangangaso sa gubat at nangunguha ng bungang-kahoy sa parang. Sila ay maligaya roon. Nawala na ang mga hayop sa gubat at iilan na lamang ang mga bungang-kahoy. Ang mga tao ay nalungkot. Ang mga…

  • Ang Alamat ng Garapon

    Ang Alamat ng Garapon

    Noong unang panahon, panahon pa ng Hapon, mura pa ang mamon, at sumisikat pa lang ang bihon, ay may batang nagngangalang Timon. Si Timon ay sikat na sikat sa kanilang nayon, siya ang paboritong tuksuhin ng mga maton na taga-roon. Isang araw bago matapos ang mag-hapon habang umuuwi ang mga ibon ay pauwi na rin…

  • Ang Alamat ng Sapatos

    Ang Alamat ng Sapatos

    Noong unang panahon sa isang liblib na lugar kung saan wala pang komunikasyong transportasyon, may isang binata na nagngangalang Tos. Pagsasaka ang ikinabubuhay nila. Mabait, masipag at nutihing anak ssi Tos a kanyang mga magulang, kaya naman nahulog ang loob sa kanya ng kanyang kasintahang si Marikit. Si Marikit ay anak ng mangangalakal sa kanilang…

  • Ang Alamat ng Bundok Makiling

    Ang Alamat ng Bundok Makiling

    Ayon sa mga ninuno kong taga Santo Tomas, Batangas, tunay daw na may diwatang nagngangalang Maria sa bundok ng Makiling. Marami raw ang nakakakita sa dalaga kapag umaakyat sa bundok. Napakaganda raw at napakabait. May mga nakakahiram pa raw sa dalaga ng magagarang damit at alahas para sa mga pagdiriwang. Paminsan-minsan, kapag may ikinakasal, nahihiraman…

  • Bakit Maraming Bato sa Apayao

    Bakit Maraming Bato sa Apayao

    Noong unang panahon, may isang matandang lalaki sa Apayao na nakaisip gumawa ng kalsadang paakyat sa langit. Bago siya nagsimulang magtrabaho, ipinagbilin niya sa kanyang asawa na huwag siyang dadalhan ng pagkain sa lugar na ginagawan niya. “Uuwi na lamang ako kapag ako’y nagutom.” sabi niya. Ngunit isang araw, tanghali na ay hindi pa dumarating…

  • Bakit Umaawit ang Lamok sa Labas ng Iyong Taynga

    Bakit Umaawit ang Lamok sa Labas ng Iyong Taynga

    Galit na galit ang Haring Alimango dahil hindi siya makatulog noong gabing nagdaan. “Sino ba iyong tawa ng tawa ng napakalakas kagabi?” Tanong niya sa bantay niya. “Hindi ako nakatulog sa katatawa niya.” “Si Palaka po.” sagot ni Aso. “Pati nga po ako ay hindi rin nahimbing.” “Tawagin mo si Palaka,” utos ng hari Nang…

  • Kung Bakit Nagkagalit ang Aso, Pusa at Daga

    Kung Bakit Nagkagalit ang Aso, Pusa at Daga

    Noong bata pa ang mundo, ang aso, pusa at daga ay matalik na magkakaibigan. Nakatira sila sa loob ng isang bahay ng kanilang amo na siya namang nagbibigay sa kanila ng masarap na pagkain. Isang araw, nagluto ang kanilang amo ng isang malaking hiwa ng karneng baka. Ipapakain niya ang karne sa bisitang darating kinagabihan.…

  • Ang Alamat ng Ilang-ilang

    Ang Alamat ng Ilang-ilang

    Dati-rati ang puno ng ilang-ilang ay hindi namumulaklak bagama’t malago ang mga dahon. Ngayon, kakaunti ang mga dahon ngunit hitik sa bulaklak. Dilaw, makitid ang mga talulot at napakabango ng mga bulaklak. Madalas na isinasama ito sa kwintas na sampaguita, palawit sa gitna, upang makadagdag ng ganda at halimuyak. Iyan ang ilang-ilang at may alamat…

  • Ang Alamat ng Bayang Lumubog sa Baha

    Ang Alamat ng Bayang Lumubog sa Baha

    Noong unang panahon, hindi isang lawa ang Lawa ng Paoay, kundi isang kalupaan. Maraming mga tao ang nakatira dito na mayayaman at maunlad. Magagara ang kanilang mga tahanan, at ang mga babae’t lalaki ay kinakikitaan ng luho. Maraming alahas, mga adorno, at makikisig na kasuotan. Noong una, sila’y maka-Diyos. Ngunit sa pag-angat ng buhay, nagbago…

  • Ang Alamat ng Bridal Veil Falls

    Ang Alamat ng Bridal Veil Falls

    Noong unang panahon, mayroon daw isang babaeng ubod ng kasungitan sa tabi ng talon ng Ilog Bued, tapat ng magkakambal na taluktok. Ito raw babae ay kaibigan pa ng mga Ampasit, mga espiritung nagdudulot ng sakit at ibang karamdaman. Takot na takot ang mga tagaroon sa kanya. May pamangkin daw itong matandang masungit na isang…

  • Ang Alamat Kung Bakit Nasa Labas ang Buto ng Kasoy

    Ang Alamat Kung Bakit Nasa Labas ang Buto ng Kasoy

    Nagkaroon minsan ng kasayahan sa kagubatan. Lahat ng mga hayop, mga ibon man at kulisap ay nagkatipon-tipon. Kay saya ng lahat! Sa di kalayuan ay nagtataka ang puno ng kasoy. “Ano ba ang pinagkakaguluhan nila? Kay ingay,” sabi ng buto sa loob ng prutas. “Kung makalalabas sana ako sa madilim na lugar na ito, para…

  • Ang Alamat ng Buwan at Bituwin

    Ang Alamat ng Buwan at Bituwin

    Noong Kauna-unahang panahon, ang langit daw ay napakababa. Abot na abot ng mga tao at maari nga raw pagsabitan ang mga alapaap ng kanilang mga gamit, mga damit at maliliit na kasangkapan. May isang babae na kumuha ng isang salop na palay sa sako para bayuhin at gawing bigas. Ibinuhos ang palay sa lusong at…

  • Ang Alamat ng Apoy

    Ang Alamat ng Apoy

    Noong unang panahon, wala kang mapapansing apoy sa paligid. Ang tanging apoy na makikita mo ay binabantayan ng dalawang higante sa isang malaking yungib. Gustung-gusto ng mga taong magkaroon ng apoy upang ang kadiliman ng gabi ay maliwanagan. Pero mahigpit magbantay ang dalawang higante. Ayaw nilang magbigay ng apoy kaninuman. Tanging ang maabilidad na si…

  • Ang Alamat ng Tandang

    Ang Alamat ng Tandang

    Naging tanyag ang bathala dahil sa mga payo niyang nakalutas sa maraming sigalot dapat sana’y pinagmulan na ng maraming digmaan. Dahil dito’y maraming datu ang laging sumasangguni sa kanya. Sa tuwina’y mahaba ang pila ng mga datung nais humingi ng payo kay Sidapa.Sa mga pagkakataong labis siyang nagiging abala at hindi agad nakakausap at nakapagbibigay-payo…

  • Ang Alamat ng Pine Tree

    Ang Alamat ng Pine Tree

    Noong kauna-unahang panahon,sa bulubundukin ng Kilod, Bontoc, may dalagang nagngangalang Bangan. Siya ay mabait, matulungin, at matapat sa pananalita at paggawa. Ngunit bagaman kapuri-puri ang kanyang ugali, hindi siya kinagigiliwang laging kasama ng mga kanayon niya. Bakit? Siya kasi ay maraming sakit sa balat. Ikinalulungkot niyang mabuti ang kanyang madalas na pag-iisa, kaya’t naisipan niyang…

  • Ang Alamat ng Ulan

    Ang Alamat ng Ulan

    Si Dakula, isang napalaking higante, ay nakatira sa madilim na yungib. Sa tabi ng yungib ay may bukal na dinadaluyan ng dalisay at matamis na tubig. Hindi mangyaring makakuhang madalas dito ang mga tao dahil bantay na bantay itong bukal ng matapang na higante. Madalas kumukuha na lamang ang mga tao ng tubig sa dagat…

  • Ang Alamat ng Mais

    Ang Alamat ng Mais

    Tumatakas ang binata at dalaga, magsing-irog na hinahabol ng mga alagad ng batas. Yakap ng binata ang supot ng mga alahas – mga pulseras, kuwintas, hikaw, singsing na ninakaw niya sa mga libingan. Nakatakas si Minong sa mga guwardiya sa tulong ng dalaga at kapagkaraka ay silang dalawa na ang tinutugis ng mga ito. Hindi…

Take stories with you.

Mga Kwentong Bayan
Mga Kwentong Bayan